290
jackpot
Apr 18, 2018 @ 19:38
By

P872-M lotto jackpot, pinaghatian ng 18 nanalo

Pinaghati-hatian ng 18 bagong milyonaryo ang P872.384 milyong lotto jackpot prize mula noong Enero hanggang ngayong buwan.

Sinabi ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alex Balutan, ang mga naging milyonaryo dahil sa lotto ay mula sa Batangas, Laguna, Cavite, Isabela, Leyte, Manila at Las Piñas, Oriental Mindoro, Cebu City, Bulacan, at Cainta.

Base sa datos mula sa Product Research and Development Division ng PCSO noong Enero, anim ang masuwerteng nakakuha ng jackpot prizes na umabot sa P331.97 milyon.

Sa sumunod na buwan, may limang naging instant millionaires, gayundin sa buwan ng Marso.

Samantalang sa unang linggo ngayong buwan ay dalawa na ang nakahula sa nabunot na mga numero sa lotto.

Base sa mandato ng ahensiya, 55 porsiyento ng benta sa lotto ay inilalaan sa mga premyo, 15 porsiyento sa operasyon at 30 porsiyento ay para na sa kawanggawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?