16

Aug 2, 2021 @ 15:07
By

P863M halaga ng shabu itinago sa pakete ng tsaa, 3 Chinese timbog

Sa kulungan ang bagsak ng tatlong Chinese nationals matapos mahulihan ng sandamakmak na shabu na nagkakahalaga ng P863 milyon.

Ayon sa ulat ng GMA News, itinago sa mga pakete ng tsaa ang shabu at nakumpiska habang ikinakasa ang isang operasyon sa Barangay San Bartolome sa Novaliches, Quezon City.

“Sila ‘yong bodegero na tinatawag natin at sila na ngayon ang nagdi-distribute all over NCR. They are part of the transnational drug trafficking organization,” wika ni PDEA director general Wilkins Villanueva.

Anang opiysal, tatlong buwan nang minamanmanan ng PDEA, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang naturang lugar.

Kasalukuyang nahaharap sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga ang mga nahuli.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?