195

Feb 25, 2020 @ 19:20
By

P85M ang presyo! James Reid binibenta ang kanyang bahay

Nakakalula ang presyo ng bahay ni James Reid na kanyang ibinibenta sa Instagram.

Sa IG story ni Reid, kanyang sinabi na for sale ang kanyang bahay na tila mansion na sa laki na may value na P82-million hanggang P85-million.

Paano ba naman kasi ay 1000 square meters ang laki nito, may pitong bed room at napakalaking pool.

Bukod pa dito ay may recording studio din sa loob ng mansyon at kasya ang anim na sasakyan sa garahe nito.

Dagdag pa ang location ng bahay na nasa loob ng Loyola Grand Villas malapit sa Miriam College.

Ano kaya ang dahilan kung bakit biglang nagbenta ng bahay si James, na kakaulat lang ang break-up nila ni Nadine Lustre?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?