48

By

P83M jackpot sa 6/42, nadale sa Davao

Sharing is caring!

Nadale ng nag-iisang winner na taga-Mati, Davao Oriental ang jackpot prize na P83-M ng Lotto 6/42 na binola noong Sabado.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan, nag-iisang mananaya na taga-Mati ang nakatumpak sa six-digit winning combination 6-34-40-10-32-02 na may jackpot prize P83,564,210.

Nabili ng nag-iisang winner ang tiket sa isang lotto outlet sa coastal Mati’s Baywalk sa Quezon street, Davao Oriental.

Mayroon namang 39 winners na nakatumpak ng five-digit combination sa premyong P25,000 bawat isa.

Ang regular Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?