75

Apr 27, 2020 @ 17:27
By

P810K shabu nasabat sa quarantine checkpoint sa Bulacan

Nakumpiska sa tatlong lalaki ang may P810,000 na halaga ng shabu sa isang checkpoint sa Cagayan Valley Road sa Guiguinto, Bulacan.

Kinilala ang mga nadakip sa quarantine checkpoint noong Abril 26 na sina Julius Francisco, 39; Roy Aldrin Marcolita, 22; at Andres Marcolita.

Sinubukan pa ng mga suspek na makalusot sa checkpoint pero nahuli sila nang itapon ang isang bag na puno ng shabu.

Nakilala rin ng pulis ang isa sa mga suspek na si Francisco na dating nakulong sa droga.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong drug possession at paglabag sa quarantine rules.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?