379

By

P800M human rights claim hindi makuha dahil paso na – Palasyo

Sharing is caring!

Namimiligrong hindi mapakinabangan ng mga biktima ng human rights ang kanilang claims na umaabot sa P800 million dahil natapos na ang buhay ng Human Rights Victims CLaims Board ngayong August 11, 2018.

Dahil dito sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kakausapin niya si Retired Gen. Lina Sarmiento na siyang director ng HRVCB para ma-extend ang termino ng tanggapan hanggang sa makuha lahat ng claimants ang kanilang pera.

Ang pondo para sa human rights ay nasa Landbank subalit dahil nagtapos na ang termino ng Human Rights Victims Claims Board ay posibleng mai-turn over sa Bureau of Treasury ang hindi na-claim na milyon milyong pisong pondo.

“Ang problema ho dito natapos na ang buhay ng Human Rights Claims Victims Board, parang ayaw ng i-honor ng Landbank iyong mga signatures. So baka kailangan gumawa ng Executive Order para lamang ma-extend ang buhay just for the purpose of the banks’ honoring the signature of the designated signatories of the claims board,” ani Roque.

Ilan sa mga claimants ng human rights case ay patay na habang hindi pa na-claim ang iba subalit hanggang August 11, 2018 na lamang ang validity ng mga tseke sa Landbank.

Dahil dito, sinabi ni Roque na ipaparating niya kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang problema at irerekomendang mag-isyu ng executive order para mai-encash ng mga human rights victim ang kanilang tseke.

Mayroong 11,103 claimants na naaprubahan ang board mula sa 75,730 na nag-file ng claim, at ang matatanggap ng mga biktima ay mula P176,000 hanggang P1.76 million.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?