39

By

P800K halaga ng shabu, nasabat sa menor de edad

Mahigit P800,000 na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng Dangerous Drugs Board sa isang menor de edad sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Duljo Fatima, Cebu City.

Nadakip ang 17-anyos na suspek noong Hulyo 11 dakong alas-11:00 ng gabi.

Nasamsam sa kanya ang nasa 120 gramo ng shabu.

Inamin niyang nagtutulak siya ng iligal na droga para pambili ng makakain.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?