8

By

P8 pasahe sa jeep pinababalik ng consumer group

Sharing is caring!

Hindi pa lahat ng may hawak ng prangkisa para sa pampasaherong jeep sa Metro Manila at dalawang pang rehiyon ang nakapagtaas na ng singil sa pasahe dahil sa kawalan ng fare matrix.

Ngunit isang consumer group ang naghain na ng petisyon sa Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) para maibalik sa P8 ang minimum na pasahe sa jeep.

Katuwiran ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) sa kanilang petisyon, malaki na ang natapyas sa limang sunod na pagbaba ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

“Sana mabilis na dinggin at magkaroon ng win-win solution sa bahagi ng transport sector at ganoon din po sa atin mga mananakay, lalong-lalo po magpa-Pasko ngayon,” sabi ni RJ Javellana, pangulo ng UFCC.

Noon lang Nobyembre 2 naging epektibo ang P10 minimum fare sa mga pampasaherong jeep sa MM, Central Luzon at Calabarzon.

Ngunit hindi agad nakasingil ng taas-pasahe ang mga jeepney driver dahil hindi sila nakakuha ng bagong fare matrix.

Noon nakaraang linggo, ipinag-utos ni Transportation Secretary Art Tugade sa LTFRB na pag-aralan ang sistema sa pagtataas ng pasahe dahil sa kanyang palagay ay hindi ito epektibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?