6

By

P8.84-M halaga ng marijuana plants, sinunog sa Kalinga

Sharing is caring!

Niliyaban ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang fully-grown marijuana na nagkakahalaga ng P8.84 milyon sa 16 na taniman sa lalawigan ng Kalinga.

Ayon sa report, noong Hunyo 29 isinagawa ang pagsunog sa may 8,200 dahon ng marijuana na may halagang P2.91 milyon sa dalawang plantasyon sa Barangay Loccong sa bayan ng Tinglayan.

Samantala, sa Buscalan village naman sinira ang nasa 29,650 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P5.93 milyon sa 14 taniman nito noong Sabado.

Hindi naman tinukoy sa ulat kung inaresto ang mga nagtanim nito. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?