10

Oct 12, 2020 @ 15:20
By

P8.2B OP budget lusot agad sa Senate panel

Sa loob lamang ng 30 minuto, inaprubahan agad ng Senate finance subcommittee na pinamumunuan ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang P8.239 bilyong pondo ng Office of the President (OP) para sa 2021.

Sa pagdinig sa Senado, agad inendorso sa plenary ang panukalang pondo ng OP kung may ilan pang senador na planong dagdagan pa ng pondo ng naturang tanggapan.

Inaprubahan din ng subcommittee ang P715.6 milyong panukalang pondo ng Presidential Management Staff (PMS), na 1.15 porsiyentong pagtaas ng pondo mula sa kasalukuyan nilang budget.

“I fully support the budget of the OP. Baka puwede pang dagdagan,” sabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

Sinabi naman ni Senate finance committee chair Senador Sonny Angara na tradisyon nang mabilis na ipinapasa ang pondo ng OP at PMS.

“If there are no other questions, eventually, we would like to move for the termination and the elevation of the budget of the OP and PMS to the plenary with a favorable recommendation and possible augmentation at the proper time,” sabi ni Angara.

Kasabay nito ang pag-apruba ng budget ng dalawang tanggapan sa committee level.

“Okay. No more questions? With no other senators wishing to ask questions, the budgets of the Office of the President and the PMS are hereby approved on the committee and are deemed submitted to the plenary,” sabi ni Go.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?