13

Mar 6, 2021 @ 17:09
By

P7M shabu nasabat sa Cebu

Tinatayang P7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska habang nadakma ang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Magallanes Street, Barangay Ermita, Cebu City noong Biyernes.

Ayon sa ulat, nahulihan si Carlo Tude, 36, dating delivery driver, ng mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P7,140,000 sa buy-bust operation alas-11:55 ng gabi sa Barangay Ermita.

Kinokonsidera si Tude na isang high-value target ng Cebu City Police Office, na nadiskubreng mahigit isang taon nang nag-o-operate sa lungsod.

Pero naniniwala ang pulisya na drug courier lamang si Tude at may mas mataas na tao pang nagpapatakbo sa drug operation.

Sa imbestigasyon ay ibinunyag naman ni Tude na ang kontak niya kung saan makakakuha ng iligal na droga ay nasa loob ng Cebu City Jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,