90

Mar 28, 2020 @ 16:58
By

P7K para makapasok sa Batangas: Korapsyon sa PCG siniwalat

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang diumano’y pagtanggap ng suhol ng ilan nilang tauhan sa mga nagnanais na makapasok o makadaan sa Batangas sa kabila ng ipinatutupad ng provincial government na ‘No Entry Policy’ laban sa COVID-19.

Ayon kay Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor sa DZMM, isang indibiduwal ang nagsiwalat na nakadaan sila sa Batangas Port, Batangas City patungong Calapan Port sa Oriental Mindoro sa pamamagitan ng pagbabayad ng P7,000 sa isang Coast Guard personnel na nagbabantay sa security checkpoint sa Batangas Port.

Matapos matanggap ang ulat, agad nagsagawa ng investigatory inquiry si Captain Geronimo Tuvilla, commander ng PCG Sub-Station sa Batangas, sa lahat ng tauhan at opisyal ng sub-station.

Nirebyu rin ang step-by-step security procedures na iniimplementa ng PCG, Philippine Ports Authority at Asian Terminals, Inc.

“The allegation was plain. No further details were mentioned, besides the amount of money that was allegedly given to a Coast Guard personnel who facilitated the illegal passing at the security checkpoint. We have activated an investigation team to determine the date and time of apprehension, the date and time of the vessel arrival in Batangas and in Oriental Mindoro, the plate number, as well as the driver of involved cargo truck on which said person boarded to provide clarity on the incident,” paliwanag ni Tuvilla.

Nabatid na umano ang pagkakakilanlan ng tauhan na tumanggap ng suhol at kasalukuyan na itong naka-quarantine at mahigpit na binabantayan sa Oriental Mindoro.

Siniguro naman ni PCG Spokesperson Commodore Armando Balilo na hindi tino-tolerate ang anumang korapsyon sa kanilang organisasyon kaya sakaling mapatunayang guilty ay mananagot ang sangkot nilang tauhan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?