250
ABANTE aaron aquino pdea transport illegal drugs
By

P7B shabu na naipuslit sa MICP, kakalat na sa bansa – PDEA

Sharing is caring!

“This is very saddening. P7 billion worth of illegal drugs are now circulating anew in our streets.”

Ito ang naging reaksiyon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino, makaraang matunton ang apat na ‘magnetic lifters’ na wala nang lamang iligal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng P7 bilyon sa General Mariano Alvarez (GMA) sa Cavite City.

Gayunman, nagpahayag pa rin ng pag-asa ang PDEA chief na kanilang marerekober ang isang toneladang shabu na naipuslit sa Manila International Container Terminal (MICT).

“Initial information reveals that these illegal drugs came from Taiwan, Republic of China, and the syndicates only used Malaysia as a trans-shipping point,” ayon kay General Aquino sa isinagawang press briefing nitong Biyernes.

“PDEA and PNP are continuously conducting drug traffic investigation to determine other personalities involved in this operation,” he said, adding that the investigation is centered on 19 persons of interest, including Filipinos, Chinese and Malaysian nationals,” giit ng pa ng PDEA chief.

Tumanggi naman si Gen. Aquino na pangalanan ang mga sinasabing nasa 17 ‘ of interest’ na umano’y nasa likuran ng nadiskubreng malaking halaga ng shabu, at tanging isang nakilalang Chao Yue Wah lamang ang kanyang binanggit na umano’y nagsisilbing ‘liaison officer’ ng Golden Triangle international drug syndicate.

Nabatid na si Wah ay gumagamit ng mga alias na KC Chan, Tony Chan, at Albert Chan.

Batay sa impormasyon ng PDEA, ang P7 bilyong nawawalang naipuslit at nakumpiskang P4.3 shabu kamakailan sa MICP ay galing ng Taiwan, Republic of China, at ginagamit lamang ng mga sindikato ang Malaysia bilang ‘trans-shipping point.’

Sa panayam naman sa spokesperson ng PDEA na si Derrick Carreon, iniutos na umano ni General Aquino na hanapin at galugarin ang maaaring pinagbagsakan ng P7 billion halaga ng shabu bago pa ito maidispatsa sa mga drug lords at mga drug pusher sa bansa.

Bukod aniya sa Philippine National Police (PNP), hihilingin din nila ang tulong ng mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Customs (BoC) para sa agarang pagbawi at pagsamsam sa mga naipuslit na mahigit sa isang tonelada.

Nagsasagawa na rin umano ng ‘backtrack investigation’ ang ahensiya para alamin kung bakit agad na naipuslit ang bilyong halaga ng iligal na droga sa MICT, na maaaring nasa National Capital Region (NCR) at Region 4A pa lang ang shabu.

Kasabay nito, hiniling ng PDEA sa publiko na agad na ireport sa kanilang ahensiya o sa malapit na himpilan ng mga pulisya kung may makikita o mapapansin silang kahina-hinalang mga kargamento sa kanilang lugar, upang masawata ang pagkalat nito sa mga lansangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?