15

Aug 5, 2021 @ 9:15
By

P78M halaga ng smuggled, pekeng yosi, nasabat sa Subic

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Subic ang P78 milyon halaga ng naipuslit at pekeng yosi.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nasamsam ang mga isoy mula sa 2 container shipments na una nang nahuli noong Hulyo na may laman na laminating film na ipinadala sa isang kumpanya sa Maynila.

Kaugnay nito, naglabas ng warrant of seizure and detention ang mga awtoridad para sa mga nagpapadala ng mga nasabing item.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?