69

Sep 19, 2019 @ 22:45
By

P78M emergency fund vs. ASF, inaprubahan ni Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas ng P78 milyong halaga ng emergency fund na magagamit sa pagkontrol sa African Swine Fever (ASF) sa bansa.

Sa statement sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang pondo ay gagamitin para sa biosecurity at quarantine operations, disease monitoring at surveillance, upgrading ng laboratories, capacity-building at iba pang disease control measures.

Magko-convene din umano ang National ASF Task Force para magkaroon ng inter-agency coordination sa pakikipagtulungan sa mga local government units at pribadong sektor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?