51

Dec 1, 2018 @ 17:13
By

P76.9M jackpot sa Mega Lotto, nasolo

Pihadong sagana ang Pasko ng isang mananaya ng lotto matapos nitong mapanalunan ang Mega Lotto 6/45 jackpot na P76.9 milyon.

Nadale ng nanalo ang winning combination na 32-22-06-07-02-41 sa Mega Lotto na binola kagabi (Nobyembre 30) at may jackpot prize na P76,941,062.

Samantala, wala namang nakahagip sa P49.5 million na jackpot ng Ultra Lotto 6/58 na binola rin kagabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?