31

Jun 16, 2020 @ 17:35

P75K multa, 3 laro suspendido sa TNT asst coach

Pinagmulta ng Philippine Basketball Association (PBA) kahapon si TNT KaTropa assistant coach Tab Baldwin ng P75,000 at sinuspinde ng tatlong larong dahil sa mapanirang mga komento laban sa pro league.

Inihayag ni PBA Commissioner Willie Marcial ang sanction sa Gilas Pilipinas project director matapos ang kanilang pag-usap noong Lunes.

Ilan sa tinalak nina sa Tiebreaker Podcast Coaches Unfiltered noong Huwebes ang maling pagkuha lang ng liga ng isang import sa dalawa sa tatlong conference kada taon, pagmamalit sa kakayahan ng local coaches at ang espesyal na trato aniya ng PBA sa ilang mga star local at import. (Lito Oredo)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?