84

By

P75B ni Diokno sa DPWH, tatapyasin ng Senado

Ipatatanggal ng Senado ang P75 bilyon na idinagdag ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa panukalang 2019 badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, pumayag sina Senadora Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, gayundin si DPWH Secretary Mark Villar.

Ipinasya na ipatapyas ang P75 bilyon kasunod ng pag-amin ni Villar na wala siyang kinalaman dito.

Sa plenary debates ng Senado ukol sa panukalang P3.757 trilyon badyet para ngayong taon, sinabi ni Villar na hanggang P480 bilyon lang sinabi sa kanila ng Department of Budget and Management (DBM) na pwedeng hingin at ito ang kaniyang sinunod.

Noong isumite ng DBM sa Konggreso ang National Expenditure Program (NEP) o panukalang badyet, doon lang niya nalaman na naging P555 bilyon o nadagdagan ng P75 bilyon.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Villar na hindi hiningi ng DPWH ang idinagdag ni Diokno pero idiniit na wala ritong masama dahil maari naman iyong dagdagan ng DBM.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?