wage-increase1

P750 minimum wage, iginiit ng Makabayan

Sharing is caring!

Kinalampag muli ng Makabayan bloc ang Kamara para sa P750 national minimum wage kasabay na rin ng paggunita sa Araw ng Paggawa bukas (Mayo 1).

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, panahon na para itaas sa P750 ang minimum wage dahil sa epekto ng TRAIN Law na nagpababa lalo sa sinasahod ng mga ordinaryong manggagawa.

Hinikayat din ng mambabatas ang publiko na sumama sa panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ang national minimum wage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?