59

Dec 6, 2021 @ 14:28
By

P714K hinihinalang shabu nasakote sa Mabalacat

Nakuha ang halos P714 libo ng hinihinalang shabu sa Mabalacat nitong Linggo.

Arestado si Alexis Morete, 43, sa isang buy-bust operation na ikinasa ng Central Luzon police.

Ayon kay police director Brig. Gen. Matthew Baccay, nadakip ang suspek sa Madapdap Resettlement Center sa Dapdap village.

Narekober naman ang nine sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 105 gramo, at isang P1000 na buy-bust money.

Nahaharap naman si Morete sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Sherrylou Nemis)

‘Papa P’ Piolo Pascual hinimas ang Abante reporter, kinilig!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?