23

May 21, 2021 @ 15:38
By

P70M puslit na face shield kalaboso sa Parañaque

Nasamsam ng awtoridad ang aabot sa P70M halaga ng ‘Heng De’ face shield sa isang warehouse sa BF Homes, Parañaque City nitong Huwebes ng hapon.

Kinasa ang operasyon ng pinagsamang pwersa mula sa National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa mga awtoridad, ang mga face shield ay nagmula sa China, at posibleng peke umano ang mga ito at hindi galing sa Heng De.

“It is dangerous to the public na gumamit sila ng fake. In the first place hindi sya dumaan sa proper authorities like the FDA so we cannot assure yung efficacy and security purpose by which na ginagamit talaga ang face shield,” ayon kay Jimmy de Leon ng NBI-NCR.

Matapos inspeksyunin ang mga face shield ay sisirain din ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?