49
TNT-ABANTE-TONITE-lotto

P705M 6/58 Ultra Lotto jackpot, tataas pa

Nanatiling mailap ang 6/58 Ultra Lotto jackpot prize na pumapalo na sa lampas P700M sa draw noong Linggo, Setyembre 23.

Ang six-digit winning combination ay 58-08-34-29-35-38 na kapag kung natumbukan ay makapag-uuwi ng premyo na ₱704,720,320.

Dahil dito, inaasahan pang umakyat sa halos P750M ang jackpot prize na isasagawa ang draw sa Martes, Setyembre 25.

Ang 6/58 Ultra Lotto game ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?