52
P704.8M alahas ni Imelda Marcos, ipasusubasta ni Duterte
By

P704.8M alahas ni Imelda Marcos, ipasusubasta ni Duterte

Aprub na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public auction para sa P704.8M na koleksyon ng alahas ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Kinumpirma ito ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo habang nasa Japan.

“Sabi ni Presidente kagabi na payag na makinabang ang taumbayan doon sa mga jewelry. So tinanong ko siya, ‘Are you going to give the go signal?’ sabi niya, ‘Yes’,” ayon sa presidential spokesperson.

Matatandaan na sinabi sa report ng Commission on Audit noong 2018 na pagpayag na lang ni Duterte ang kanilang hinihintay para mapasubasta na ang mga alahas na kinumpiska kay Marcos ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?