25

Mar 4, 2020 @ 15:40
By

P700K smuggled yosi naharang sa Zamboanga Sibugay

Nasabat mula sa isang 42-anyos na babae ang P700,000 halaga ng smuggled cigarette sa isang checkpoint sa Zamboanga Sibugay.

Kinilala ni Maj. Helen Galvez, Police Regional Office-9 (PRO-9) information officer, ang suspek na si Fel Maulod Andan, residente ng Barangay Bangkerohan, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Inaresto ang suspek bandang alas-9:32 ng gabi, Lunes, sa kahabaan ng Barangay Baluran, Tungawan, habang nagsasagawa ng checkpoint ang Zamboanga Sibugay Police at pinara ang isang van na doon na nabisto ang kargang 40 master case ng smuggled cigarette.

Ayon sa report, ikinasa ang checkpoint matapos na makatanggap ng tip na may isang van na kargado ng smuggled na yosi at patungong bayan ng Tungawan town.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?