67

Dec 18, 2017 @ 18:54
By

P7 mababawas sa kada kilo ng bigas – DOF

Matatapysan ng hanggang P7 ang halaga ng bawat kilo ng bigas kapag inalis ang quota sa pag-aangkat ng butyl at papatawan na lang ito ng 35 porsiyentong taripa.

Ito ang paniniwala ng Department of Finance at ipinaliwanag ni Usec. Gil Beltran mahihikayat ang mga pribadong negosyante na magpasok ng mga bigas sa bansa.

Aniya sa ganitong paraan babaha ng mga murang bigas sa merkado at makikinabang ang mga mahihirap na pamilya.

“A reduction in rice prices would be beneficial to the majority of poor households that spend at least 20 percent of their budget for rice,” ani Beltran.

Pagtataya pa nito, maaring umangat mula sa kahirapan ang 730,000 Filipino at aniya sa pagpapataw ng taripa ay kikita ng hanggang P37.3 bilyon ang gobyerno na maari naman gastahin sa mga proyekto tulad ng cash transfers at produksyon ng palay.

Aminado naan ang opisyal na sa naturang plano ay maaring magkaroon ng reorganisasyon sa National Food Authority (NFA). (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?