597

Jan 3, 2018 @ 11:22

P7-M halaga ng champagne, nabenta sa Manila

Sa unang pagkakataon, naibenta sa Pilipinas ang unang botelya na pinakamahal na champagne sa buong mundo, ang Armand de Brignac Midas, sa halagang P7 milyon.

Sa Instagram post ng kabubukas pa lang na Cove Manila beach club, 30-liter bottle na champagne ay nabili ilang minuto bago ang pagsapit ng 2018.

Ang Armand de Brignac sinasabing may halong lasa ng baked pastry at vanilla. May 18 katao ang sinasabing nagsama-sama para sa makagawa ng mamahaling champagne na ito.

Binuksan na sa publiko ang Cove Manila, matatagpuan as Okada Manila hotel, noong Disyembre 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?