48
tax
Jan 2, 2018 @ 11:09
By

P7 excise tax, hindi isang bagsakan

Malabong ipasa ng mga kumpanya ng langis ang buong bigat ng P7.00 per liter excise tax sa gasolina sa mga motorista.

Katuwiran ni 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero, alam ng oil firms na price sensitive ang Philippine market.

“Mag-iingat sila dahil ang gasoline price hike na P7.00 ay maaring magpababa ng demand para sa gasolina. Maaring hindi na dalasan ng mga motorista ang paggamit nila ng kanilang mga sasakyan,” paliwanag ni Romero.

Sabi ng kongresista, batay sa mga dati nang ginagawa ng oil firms, maaari nilang utay-utayin ang taas presyo.

Puwede aniyang gawing P1.50 kada linggo ang dagdag presyo.

“Kung maisip ng mga ekonomista ng oil firms na mabigat masyado ang seven pesos, maaaring irekomenda nila na 50 percent hanggang 90 percent lang ng excise tax ang ipapasa sa konsyumer,” ayon kay Romero. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?