136

Jan 2, 2018 @ 13:15

P7.43-B halaga ng bakuna, nakatakdang bilhin ng DOH

Nakatakdang bumili ang gobyerno ng P7.43 bilyong halaga ng bakuna sa 2018 public vaccination program, sa kabila ng kontrobersiyang idinulot ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Nagbabala naman ang mga senador na siguruhing hindi mauulit ang nangyari sa pagbili ng Dengvaxia vaccine noon.

Layon na bigyan ng full immunization ang halos 3 milyong sanggol kung saan 1.4 milyon dito ay planong bigyan ng pneumococcal vaccine laban sa pneumonia.

Magbebenepisyo naman sa anti-tetanus-diptheria at measles vaccines ang Grade 1 at Grade 7 na mga mag-aaral.

Bibigyan din ng tetanus vaccine ang nasa 2.7 milyong buntis, habang 1.2 milyong flu shots at 1.3 milyong pneumococcal vaccines ang nakalaan sa mga matatanda.

Base sa dokumentong ipinadala ng Department of Health (DOH) sa Senado, sakop ng full immunization sa mga sanggol ang bakuna kontra hepatitis, polio, pneumonia, measles, mumps at rubella.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?