4

Jan 12, 2021 @ 14:57
By

P6M marijuana sinunog sa Benguet

Kabuuang P6.1 milyong halaga ng marijuana sa apat na plantation site ang sinunog ng mga pulis sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Benguet Provincial Director Col. Elmer Ragay, nasa 15,000 piraso ng fully-grown marijuana plant at 25 kilo ng dried marijuana stalk ang sinira.

Nasabat ang mga ito sa apat na plantation site sa bayan ng Kibungan sa mga operasyon na isinagawa ng Enero 3-9.

Kabilang sa operasyon ang nadiskubreng plantasyon sa Sitio Topinao sa Barangay Madaymen kung saan nasa 1,350 piraso ng fully-grown marijuana plant ang nakatanim sa pampublikong lote.

Agad binunot ang mga marijuana plant at sinunog, at nagdala lang ng mga samples ang mga awtoridad para gawing ebidensiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?