19

Oct 25, 2021 @ 16:07
By

P6M hinihinalang shabu nasabat sa QC

Nasakote ang isang kelot matapos mahulihan ng mahigit P6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Mohammad Mokuah na naposasan ng mga awtoridad sa ikinasang buy-bust sa naturang lugar.

Nakumpiska sa kanya ang isang kilo ng umano’y shabu at marked money na ginamit sa transaksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?