65
Mag-partner huli sa pagtutulak ng shabu sa Pasig
By

P68M shabu na isinilid sa pakete ng tsaa, nasabat

Nakakumpiska ang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency ng may P68 milyong halaga ng hinihinalang shabu na itinago sa mga pakete ng tsaa sa Lipa City, Batangas.

Nasamsam sa bahay ng isang Eugene Fernandez ang may 10 bag ng shabu na tumitimbang ng kabuuang 10 kilos sa bisa ng search warrant dakong ala-una ng hapon nitong Lunes.

Maliban sa iligal na droga, nakuha rin sa suspek ang isang kalibre .45 na baril at isang magazine na may walong bala, pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang fully-grown marijuana plants sa paso at isang timbangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?