69

Dec 29, 2019 @ 10:12
By

P680K shabu nakumpiska sa mag-asawang tulak

Umaabot sa P680,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa naarestong mag-asawang sinasabing notoryus na tulak ng droga, kasama ang diumano’y dalawang kasabwat sa isinagawang buy bust operation sa Novaliches, Quezon City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Police Brig. Gen. Ronnie Montejo ang nasakoteng mag-asawang tulak na sina Rex Duldulao, alyas ‘Buboy’ at Jennifer Duldulao alyas ‘Jen’, kapwa 35 taong gulang.

Arestado rin ang mga kasamahan nilang tulak na sina Mark Joseph Pajarin alyas Macky, 21 anyos at RJay Agustin, 26, kapwa residente ng Caloocan City.

Bandang alas-4:30 ng hapon (December 27) nang masakote ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Batasan Police Station 4 sa pamumuno ni Police Lt. Col. Rossel Cejas, ang mag-asawang Duldulao sa buy-bust operation sa Domingo St., Dantes 2, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Isang pulis ang tumayong buyer at bumili ng P7,500 halaga ng shabu sa mga suspek at inaresto sila sa gitna ng transaksiyon.

Nakumpiska sa operasyon ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000, isang digital weighing scale, tatlong cellular phone at buy-bust money.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?