1,304

By

P664.8M budget ni Robredo lusot sa 1 minuto

Tumagal lamang ng isang minuto ang pag-apruba ng Senado sa panukalang P664.8 milyong budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2020.

Walang kahit isang senador ang kumwestiyon nang iprisenta ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate finance committee, ang panukalang pondo ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Senate Major Leader Juan Zubiri, walang senador ang nagparehistro para mag-interpellate sa panukalang pondo ng OVP.

Dahil dito, tinulak ni Zubiri na isumite at aprubahan na ang pondo ng naturang tanggapan.

Nasa session hall si Robredo nang apprubahan ng Senado ang budget proposal ng OVP.

Nagpasalamat naman si Robredo sa mabilis na pag-arpuba ng budget ng kanyang tanggapan.

“Parati namang may expectation na ganon everytime na may budget hearing, pero nagpapasalamat tayo na hindi naman nahirapan ‘yung pag-approve nung budget,” pahayag ni Robredo sa midya ngayong Lunes, Nobyembre 18.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?