131
trillanes-duterte
By

P650-M na ginasta ng PCOO sa ASEAN campaign pinabubungkal ni Trillanes

Sharing is caring!

Iimbestigahan ng Senado ang paggastos ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng halos P650 milyon sa information caravan ukol sa idinaos sa bansa na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit noong 2017.

Batay ito sa Resolution No. 735 na inihain ni Senador Antonio Trillanes IV.

Tinukoy dito ang ulat ng Commission on Audit (COA) na inilabas noong Mayo 9, 2018 na nagkaroon ng anomalya sa paggastos sa information caravan ng kabuuang P647.11 milyon.

Ginamit umano iyon ng Committee on Media Affairs and Strategic Communications (CMASC) na nasa ilalim ng tanggapan ni PCOO Secretary Martin Andanar.

Kinilala sa resolusyon na hindi pa beripikado ng COA ang alegasyon ng katiwalian pero umano’y kailangan na itong bungkalin.

“Whereas, said news report has yet to be officially validated by the COA. Nonetheless, there is still a need or PCOO to explain publicly the disbursement of the said funds,” sabi sa resolusyon ni Trillanes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?