118
P62B naipamudmod ng SSS sa 2.5M pensyonado
Jul 31, 2019 @ 9:00
By

P62B naipamudmod ng SSS sa 2.5M pensyonado

Umaabot sa P62.19 bilyong pensyon ang naipamahagi ng Social Security System (SSS) sa unang limang buwan ng taon.

Ito ay mas mataas ng P4.84 bilyon kumpara noong nakaraang taon.

Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, tumaas ang naibigay na pensyon dahil tumaas din ang bilang ng mga pensyonado mula 2.4 milyon noong Mayo 2018 ito ay naging 2.5 milyon ngayong Mayo 2019.

Mayroong tatlong uri ng pensyon na ibinibigay ng SSS. Ito ay ang pensyon para sa pagreretiro, pensyon para sa pagkamatay at pensyon para sa pagkabalda.

Noong Mayo 2019, ang ahensya ay mayroon ng halos 1.5 milyong retiree-pensioners, mahigit 940,000 survivorship-pensioners at 850,000 disability pensioners.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?