14

Nov 26, 2021 @ 9:52

P629 budget ng DepEd sa 2022 aprub sa Senado

Inaprubahan na ng Senado ang panukalang P629.8-bilyong budget ng Department of Education para sa 2022.

Ayon sa opisyal na pahayag ng DepEd, tumaas ito ng anim na porsiyento kaysa sa P595 bilyong budget noong 2021 para suportahan ang pagpapalawak ng ligtas na face-to-face class.

Sa isang pahayag, pinasalamatan naman ni DepEd secretary Leonor Briones ang Senado.

“On behalf of the DepEd family, we thank and welcome our senators’ inputs for effectively allocating these funds that will surely build upon our capacity to provide the needs of our learners and teachers especially that we are gradually reopening the schools,” ani Briones.

Dagdag pa ng DepEd na ang budget para sa General Management and Supervision nito ay nilayon para pondohan ang pangangailangang pangkalusugan at kaligtasan ng mga paaralan sa pagpapatupad ng face-to-face class.

Hinihintay pa pinal na pag-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing budget. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?