69

Mar 11, 2020 @ 20:36
By

P61M halaga ng shabu nasamsam sa big-time drug dealer

Nakumpiska sa isang hinihinalang big-time drug dealer ang may siyam na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P61.2 milyon sa isinagawang buy-bust sa Quezon City nitong Miyerkoles ng hapon.

Sa inisyal na report, pasado alas-4:00 ng hapon nang isagawa ang buy-bust ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at Drug Enforcement Unit ng Philippine National Police at naaresto ang suspek na nakilalang si Mark Anthony Carlos sa Quezon Avenue corner West Forth Avenue.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang mga awtoridad kaugnay sa malakihang pagbebenta ng iligal na droga ng suspek kaya isinailalim ito sa surveillance, at nang magpositibo ang ‘tip’ ay saka ikinasa ang operasyon.

Tumanggi namang ibunyag ng suspek kung saan nito kinukuha ang mga ibinebentang shabu.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya na drug pushing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?