40

Dec 19, 2017 @ 17:20
By

P616-B investments, ibinida ng DTI

Ipinagyabang ni Trade Secretary Ramon Lopez ang P616.7 bilyong investment approvals ngayon taon.

Sinabi ni Lopez ang halaga ay ang pinakamataas na sa loob ng 50 taon para sa Pilipinas.

Ito aniya ay mataas ng 39.5 porsiyento mula sa naitalang P442 bilyon noong nakaraang taon.

Dagdag pa ni Lopez ito ay 23.5 porsiyentong mas mataas sa target nila na P500 bilyon sa pagsisimula ng taon.

Ang dating record breaking investment approvals ay ang naitalang P570.1 bilyon noong 1997.

Aniya ang investment approvals ay binubuo ng 426 proyekto na lilikha ng 76,065 trabaho. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?