0
views

By

P60M DOT fund hindi pa naisosoli ng mga Tulfo

Sharing is caring!

Hinihintay pa rin ng Malacañang na tuparin ng kampo ni dating Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo ang pangakong ibabalik ang P60 million pondo ng Department of Tourism na ipinambayad sa commercial ads sa media production ng kanyang kapatid.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hanggang ngayon ay wala pang ibinabalik ang dating kalihim sa kabila ng pangakong ibabalik ang nabanggit na pondo.

Kampo naman aniya ng mga Tulfo ang nagsabi isasauli nila ang ads payment kaya inaasahan nilang tutuparin nila ito.

“Well sila naman ang nagsabi na ibabalik nila,they said it and we expect them to comply with what they said,” ani Roque.

Kaugnay naman sa findings ng Commission on Audit (COA) na may conflict of interest sa kontrata dahil magkapatid sina Teo at Ben Tulfo, sinabi ni Roque na bahala na ang Ombudsman na umaksiyon nito.

Bagamat mabagal aniya ang Ombudsman, sinabi ni Roque na tiyak na kikilos din ito kapag mayroon ng sapat na ebidensiya para panagutin ang dating opisyal.

“The Ombudsman takes awhile – but eventually they will file. So we are confident that the Ombudsman will eventually perform and discharge its constitutional duty and charge thise who are responsible, if there’s sufficient evidence,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?