24

Jun 11, 2021 @ 19:46
By

P60K tahong naharang sa Leyte

Nahuli ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang isang fishing vessel na iligal na nagta-transport ng may 1,200 kilong tahong na nagkakahalaga ng P60,000 sa kabila ng presensiya ng red tide toxin sa Carigara Bay sa Leyte kahapon, June 10.

Ayon sa BFAR, nabigo ang may-ari ng bangka na makapagpresinta ng transport permit at auxiliary invoice ng pinagmulan ng mga tahong.

Nakatanggap ng mga report ang BFAR tungkol sa ilang residente na nangunguha ng mga tahong sa kabila ng red tide toxin.

Kamakailan naglabas ng advisory ang BFAR at inilagay ang may 11 bay at coastal water sa Eastern Visayas sa shellfish ban dahil sa red tide toxin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?