23

Nov 6, 2021 @ 12:33
By

P600K imported mantika sinamsam sa Pampanga

Nasa P600,000 halaga ng imported cooking oil ang kinumpiska ng mga awtoridad sa San Fernando, Pampanga.

Ayon sa ulat, galon-galong mga hindi rehistradong palm oil na sinasabing mula sa China at Malaysia ang nakitang nakaimbak sa isang bodega.

Ibinebenta umano ang mga ito sa ilang palengke kahit hindi nakarehistro sa Food and Drug Administration.

Samantala, nadakip ang caretaker ng warehouse kung saan sinabing hindi umano niya alam na hindi nakarehistro ang nasabing mga produkto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?