ron-salo
By

P600 minimum wage sa pribadong sektor, itinutulak sa Kamara

Sharing is caring!

Isinusulong nina Kabayan partylist Representatives Ron Salo at Ciriaco Calalang na gawing P600 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, P512 ang minimum na suweldo sa pribadong sektor para sa 8 oras na trabaho kada araw.

Inihain nina Salo at Calalang ang House Bill 7527 na naglalayon ring ipantay ang kita ng mga nasa iba’t ibang rehiyon sa sahod ng mga empleyado sa Metro Manila at para hindi na magsiksikan sa NCR ang mga manggagawa.

Aamiyendahan ng panukala ang Republic Act No. 6727 o ang Wage Rationalization Act, at Articles 121-127 ng Presidential Decree No. 442, o ang Labor Code of the Philippines.

Sa ilalim ng nasabing bil, lilimitahan rin ang kapangyarihan ng National Wages and Productivity Commission(NWPC) at ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa pagtukoy ng mga kita at iba pang productivity improvements maliban sa national minimum wage.

“Their duty will primarily involve determining other incomes of the employees outside of the minimum set by this law. These incomes and other productivity improvements shall be used to augment the daily minimum wage based on prevailing conditions,” saad sa panukala.

Bukod sa minimum wage, itinatakda rin ng HB 7527 ang pagbibigay ng dagdag na incentives na tutukuyin ng Board.

“This measure will help our fellow Filipinos keep up with the inflation or the increase in the general price level of goods and guarantee a humane standard living for all, specially to lowliest and unprotected members of the workforce, by providing them real wage gains,” ayon kina Salo at Calalang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?