6

By

P60-M pulsit na ukay-ukay, beauty products nasabat sa MICP

Sharing is caring!

Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container (MICP) ang P66.4 million na halaga ng misdeclared na mga kargamento na kinabibilangan ng mga ukay-ukay at beauty products.

Ayon sa BOC, dalawa sa pitong container na naglalaman ng beauty products na nagkakahalaga ng P50 million mula South Korea ay pag-aari ng Skadi Trading.

Hindi umano nakapagprisinta ag importer ng certificate of product registration mula sa FDA.

Ang dalawa namang container na galing sa China at naka-consign sa Hepomlan Trading ay kinumpiska ng BOC dahil sa kawalan ng import permit, sanitary at phytosanitary import clearance at dahil sa paglabag sa Intellectual Property Act.

Kabilang umano sa laman ng kargamento na nagkakahalaga ng P8 million ay mga assorted na produkto gaya ng pekeng brand ng relo, perfume, cellphone battery, damit, wallet, glass decor, LED Lights, pekeng brand ng bag, calculator at iba pa.

Hinarang din ng BOC ang shipment ng Hepomlan Trading na naglalaman ng pekeng G-shock watches na hindi idineklara at nagkakahalaga ng P2.25 million.

Kumpiskado rin ang kargamento ng EPAD Freight Forwarders na naglalaman ng P8.4 million na halaga ng ukay-ukay o mga lumang damit at sapatos na ipinagbabawal sa ilalim ng Republic Act 4653. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?