730
tulfo-brothers
May 7, 2018 @ 13:43

P60-M halaga ng DOT ads, isasauli ng Tulfo brothers

Ibabalik na ng mga kapatid ni Tourism Secretary Wanda Teo ang P60 milyong natanggap ng mga ito mula sa departamento nito para sa advertisement.

Ayon sa abogado at tagapagsalita ni Teo na si Ferdinand Topacio, magbibitiw din ang asawa ni Teo na si Roberto bilang board member ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

“Bagama’t wala po sa kaniya (Erwin Tulfo) iyung P60 million at nagastos na po, gagawa po sila ng paraan at io-offer nila na ibalik na po up to the last centavo kung anuman po ang naibayad sa kanila,” sabi ni Topacio sa DZMM.

Nag-ugat ito sa tinukoy ng Commission on Audit na ibinigay na bayad ng DOT na wala namang memorandum of agreement o kontrata sa pagitan ng state-run PTV-4 at sa media outfit ng magkapatid na Tulfo na sina Ben at Erwin para mag-ere ng tourism commercials sa kanilang programa na “Kilos Pronto”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?