By

P60-M ads ng DOT sa Tulfo bros, sisilipin ng Malacañang

Sharing is caring!

Iimbestigahan ng Malacañang ang inilabas na report ng Commission on Audit (COA) kaugnay sa umano’y P60 million advertisement ng pamunuan ng Department of Tourism (DOT) sa Tulfo brothers.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang balita at interesado siyang malaman ang puno’t dulo ng isyu.

Mayroon aniyang pinal na findings ang COA kaya’t titingnan ito ng Malacañang.

“The Palace is looking into the matter. Alam n’yo na naman ang procedure natin dito sa Palace. There are news reports, the President will look into it, there will be some kind of an investigation conducted and the Palace will decide its course of action. The Palace will investigate the matter. We cannot of course, we have to accept the findings of the COA, I understand this is the final finding, but the Palace will investigate on its own,” ani Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na lahat naman ng isyung may kinalaman sa korapsiyon kahit pa bulung-bulungan lang ito ay binubusisi ng Palasyo.

Sinabi ni Roque na anim na buwan na ito sa Malacañang at marami nang mga inimbestigahan na ganitong mga usapin.

Kasabay nito nilinaw ng kalihim na walang dahilan para iwan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo Teo ang kanyang puwesto habang ginagawa ang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?