53

By

P60-B para sa umento ng pulis, sundalo pasok sa Senate version ng 2018 budget

Sharing is caring!

Inapubahan na ng Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pambansang budget para sa 2017 na P3.767 trilyon.

Nakakuha ito ng 16 na botong pabor, walang tutol.

Ayon kay Sen. Loren Legarda, chairman ng Senate committee on finance, nakapaloob dito ang P60 bilyon para sa pagbibigay ng umento sa base pay ng military and uniformed personnel (MUP).

Tumutukoy ito sa mga sundalo,pulis, jailguard, bumbero at mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA).

Inihabol ito sa panukalang badyet para matugunan ang pangako ni Pangulong Duterte na dodoblehin umpisa sa susunod na taon ang base pay ng mga sundalo at pulis.

Samantala, nakapaloob din sa panuaklang budget ang P51 bilyon para sa libreng pag-aaral sa state universities and colleges (SUCs) at local universities and colleges (LUCs).

Nasa P40 bilyon ang ipinalaan dito ng Kamara pero dinagdagan ng Senado ng P11 bilyon.

Nasa panukalang budget din ang P89 bilyon para sa conditional cash transfer program (CCT). Ang P32 bilyon nito ay para sa rice subsidy ng mahihirap na pamilya.

Nagpasok din ang Senado sa budget ng P10 bilyon para sa Marawi rehabilitation, karagdagan sa P5 bilyon na naibigay na ngayong taon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?