17

May 7, 2020 @ 18:00
By

P6.8M shabu nakumpiska sa 4 suspek sa Makati buy-bust

Umaabot sa P6.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska mula sa apat na nadakip na drug suspects sa isinagawang buy-bust sa Makati City.

Ang mga ‘di pa pinangalanang suspek ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD) at Southern Police District (SPD) nitong Miyerkoles, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ang nakumpiskang shabu na may timbang na mahigit isang kilo ay dinala sa SPD para isailalim sa forensic examination.

Nagbabala naman si NCRPO chief PBGen. Debold Sinas sa mga patuloy na gumagawa ng iligal na aktibidad, at iginiit nito na bagama’t abala ang hanay ng kapulisan sa COVID pandemic ay patuloy pa rin ang mga ito sa kanilang ‘anti-criminality drive’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?