191
gary-alejano
By

P6.8B shabu na naipuslit sa Custom, dagok sa war on drugs – Alejano

Sharing is caring!

Inupakan ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano ang patuloy na pagpupuslit ng iligal na droga sa Pilipinas sa kabila ng maigting na war on drugs ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Alejano, malaking dagok ito sa kampanya kontra droga lalo’t hindi ito ang unang beses na nalusutan ang Bureau of Customs at iba pang law enforcement.

“This is a big blow on Duterte’s war on drugs. Patuloy ang pagpasok ng tone-toneladang droga mula sa ibang bansa habang patuloy din ang mga patayan dito sa atin. Nakakapagtaka na sa loob ng dalawang taon na pagtutok ng administrasyon ay nangyayari pa rin ito na naiisahan ang ating mga otoridad,” sabi ni Alejano.


“Maka-ilang beses na nangyayari ito partikular na sa Customs. Hanggang ngayon ay hindi pa nga alam kung sino ang dapat managot sa nakalusot din na P6.4 billion na halaga ng shabu. Our law enforcement authorities must be alarmed and must vow not to let this happen again, and again,” dagdag ng kongresista.

Nagtuturuan na ang PDEA at Customs sa isang toneladang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon mula sa Taiwan. Bago ito ay nasamsam pa ng PDEA ang P4.3 bilyon na halaga ng iligal na droga sa Port of Manila.

Nagpasaring si Alejano na sana nga ay seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte na linisin sa iligal na droga ang Pilipinas dahil palaisipan anya ang patuloy na operasyon ng mga sindikato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?