11

Oct 12, 2021 @ 9:34
By

P6.8-M shabu butata sa Pampanga

Tiklo ang isang kelot matapos mahulihan ng P6.8 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Angeles City, Pampanga nitong Lunes.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ginawa ang naturang operasyon sa Brgy. Lourdes Northwest.

Tinukoy naman ang nahuli bilang si “Jeff.”

Batay sa report, mula Quezon City pa umano ang kelot.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang nahuling suspek. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?