6

Sep 27, 2020 @ 18:09
By

P6.5M smuggled yosi nasabat sa Malabon warehouse

Naharang ng mga operatiba ng Bureau of Customs ang abot sa P6.5M sigarilyo na iligal na pinasok sa bansa, nitong Miyerkoles.

Ayon sa Customs, nakuha ang mga sigarilyo sa kinasang raid sa warehouse sa Barangay Tugatog sa Malabon City.

Nakuha ang 196 master case ng mga sigarilyo na iba’t iba ang brand, at nagkakahalaga ng P6.5M.

Iniimbestigahan pa ng ahensya kung sino ang may-ari ng mga naturang sigarilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?